"
Panunuri sa Tula
Ako ang Daigdig. Sa pamagat pa lamang nito, mababatid na natin na may kalalimang tinataglay ang tula. Paano magiging isang daigdig ang iisang tao? Mataas na pag-iisip ang kinakailangan, sapagkat ang temang iyan ay isang temang ma-pilosopiya. Hindi siya literal, at hindi madaling intindihin. Kung sa pamagat ay susubuking makuha ang pangkalahatang kaisipan ng tula, mga ideyang papasok agad sa utak ay nag-uukol sa pagiging kakaibang bata, pagkakaroon ng sariling mundo, pagiging autistic. Pero maglalaho ang mga hulang ito pag nabasa na ang kabuuan ng Ako ang Daigdig ni Alejandro Abadilla.
Kilala na si Alejandro Abadilla sa panunulat ng mga tulang mataas ang antas ng paggamit ng wika, bagamang mababaw na salita lamang ang gamit niya. Hindi malalalim ang mga salitang naroon, ngunit ang pagsasama-sama nila ay nagpapakita ng kagalingan sa larangan ng panunulat. Mahahalata natin ito sa mga linyang tulad ng ang tula ng daigdig, ang damdaming malaya, ang larawang buhay, ang buhay na walanghanggan. Wala sa mga salitang iyon ang lubusang malalim, ngunit madaling makuha na ang konseptong nais iparating ng mga parirala ay malalim, higit pa sa literal nitong pagsasama-sama.
Kapag ang tulang ito ay isinulat ng diretsuhan, mahahalata natin na may porma ang kanyang mga linya. Hinati man ito sa mga bahagi, hindi mahirap makita na may hugis ang kabuuan ng tula. Unti-unting humahaba ang bawat taludtod habang lumalalim ang kahulugan nito, at unti-unti ring umiikli. Makikitang ang mga predominanteng salita tulad ng daigdig, ako, tula ay nasa panimulain at sa pananapos ng kasulatan. Makikita rin natin na walang sukat at tugma ang tulang ito. Ngunit, mayroon namang tinatawag na rhythm ito, mararamdaman natin ito kapag binasang malakas at pasalita ang tula.
Binigyang-pansin ng may-akda ang mga konseptong tula ng daigdig at buhay na tula (kung saan lumalabas na ang buhay natin ay tila isang tula – tayo ay may iba’t ibang sukat, tugma, salita, tema at mga pamagat, at bahala na tayo kung paano isusulat ang tulang ito), walang kamatayang ako (kung saan niya ipinakita na hindi siya basta-basta isang tao lamang, dahil tao siya) , damdaming malaya (kung saan niya ipinapalabas na isa siyang damdaming kinulong isinakatawan bilang isang tao, at hindi taong nagkukulong ng damdamin), larawang buhay (kung saan niya inihalintulad ang sariling katawan sa kagandahang nasa larawan – kagandahang hindi napagkakaaliwan ng lahat o madla), buhay na walanghanggan (kung saan niya ipinasok ang konsepto ng pag-aalaala at maari ring ipasok ang relihiyon at kalangitan).
Sa kabuuan, para sa akin, ang tulang ito ay ukol sa sarili. Bilang tao, ano nga ba tayo? Sino ka? Sino ako? Ngunit dahil formalistiko nga ang teoryang ito, mahirap ipalabas ang nais ng may-akda dahil sinulat niya ang akda sa pagnanasang hindi madla ang makaintindi nito, ngunit madla rin ang makapagpahalaga sa kagandahan ng kasulatan niya. Maporma, malalim, kalabuan at tila kawalan ng iisang tema – ang mga senyales na ang tulang ito ay sinulat sa Teoryang Formalismo.
++ Blah. Thankfully, I got through that. Even if most of the written shit up there doesn't really make sense and just beats around the bush.
(I love Filipino.)
"
The clock ticked: 5:02 AM