"
Sa mga mata mong singkit
Ika'y aking tinitigan....
Bigla ka nalang pumikit
Habang tayo'y nagsasayawan...
Hindi na matanggal sa isip
Ang ngiti mong nagpapaabot sa'kin sa langit
Hindi ko matanggap na lalayo ka lang muli
Hindi ko kakayanin, ano mang pilit
Sana nga ikaw na, sana nga ikaw na
Tingnan lang kita, makakalimutang kong hinintay ka
Sana nga ikaw na, sana nga ikaw na
Marinig ko lang ang boses mo, ako'y sasaya na
Ngunit pinaglaruan lang ako ng tadhana
Isang gabi lang kita makakasama
Pagkalipas noo'y wala na, wala ka na
At di na muli babalik pa.
Mahirap nga umasa, wala rin namang patutunguhan
Mga damdaming ito, na walang katuturan
Hanggang sa panaginip, sa sandaling umidlip
Sa pagpikit sa katotohanan, pagpikit dahil walang maasahan
Makakalimutan mo rin ako
At ang gabing sinayaw kita
Lilipas rin ang oras
Pagka't sa pag-ibig, tayo'y minalas
Hindi nga ikaw, hindi ako
Wala, wala lang talaga tayo
Gustuhin ko mang lumapit
...pero ikaw ay lalayo.
Gustuhin ko mang ika'y mawala
At ang isip ko'y mapayapa
Kahit lamang na sandaling panahon
...babalik ka rin pagdating ng hapon.
Sabaw na ang utak ko. :P
"
The clock ticked: 10:39 AM